Youth party: “DIGITAX”– ANTI-KONSYUMER, ANTI-MAMAMAYAN!

Must Read

Android App

Get it on Google Play
113552903 10163921928935557 5126313518584536671 o

Ang Kabataan Party-list ay mariing tumututol sa panukala ng Kamara na magpataw ng buwis sa mga digital transactions tulad ng Lazada at Netflix—dagdag pabigat lamang sa mga konsyumer ito lalo na sa panahon ng pandemya na nagdulot ng malawakang tanggal-trabaho, kahirapan at krisis pang-ekonomiya. Ang ipapataw na tax ay sa porma ng Value-Added Tax (VAT); ang bigat ng pagbubuwis ay naipapasa sa consumer, hindi sa mga malalaking kumpanya na nagoopereyt nang maluwag sa bansa.

Ngayong araw, ang panukalang batas na ito ay ipinasa sa komite ng kamara.

Sa panukalang batas na ito, maaari ring sakupin ng papatawan ng VAT ang online maski e-learning na hirap na hirap na ngang abutin ng mayorya ng mga kabataan at kanilang mga pamilya dahil sa kawalan ng laptop, maayos na internet, at mahal na gastos sa load. Sa pagpapataw ng buwis sa mga digital transactions, maaring dagdag gastos din ito sa mga mamamayang kinakailangan magpadala ng pera sa kanilang mga pamilya at mga nagbabayad ng mga bayarin online.

Pilit na ipinapasa ng gobyerno ang patong patong na buwis sa mga ordinaryong Pilipino habang hinahayaan ang paggana ng mga POGO na may P50 bilyon utang sa tax. Sa kabila ng pagpoposturang anti-oligarkiya ni Duterte, hinahayaan nitong makawala sa pagbabayad ng buwis ang mga malalaking kumpanya at mga negosyanteng may bilyon-bilyon na yaman at ari-arian basta kakampi ka ng pangulo.

Kaliwa’t kanan ang paghahanap nila Duterte ng mapagkukunan ng pondo para sa dagdag budget sa pagtugon sa diumano sa pandemya—kung hindi mula sa mga kaduda-dudang utang sa ibang bansa ay manggagaling ito sa mga buwis ng mga consumer at mga mamamayang sadsad na sa kahirapan. Ang tanong ng mamamayan ngayon ay nasaan na ang komprehensibong pagtugon sa pandemya? Bilyon-bilyon na ang inutang at pondo ng gobyerno pero hindi pa din ramdam ng taumbayan ang pagtugon sa pandemya. Sa halip, pataas nang pataas ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas. Hindi kumpleto ang binigay na ayuda, patuloy na naghihirap ang mamamayan at wala pa ding libre at sistematikong mass testing.

Kailangan singiling ang Administrasyong Duterte sa kawalan malinaw na plano sa pagtugon sa pandemya, at alamin kung saan napunta ang mga pondo rito. Mariing tututulan ng mga kabataan ang mga ganitong klaseng panukala na magpapahirap sa mga Pilipino lalo na’t nasa gitna tayo ng krisis.

Transparency on COVID-19 Response budget!
Ipatupad ang libreng mass testing, pagbibigay ng ayuda sa mamamayan, at pagsisigurado ng kanilang kabuhayan! ###

Press Releases

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Latest News

Connect With Us

224,672FansLike
1,536FollowersFollow
69FollowersFollow
25,504FollowersFollow