SESSION HIGHLIGHTS

Must Read

Android App

Get it on Google Play
114894506 10163918171720557 1918448578174088555 n

Ipinasa sa ikalawang pagbasa ang HB 6953 o mas kilala sa tawag na “Bayanihan 2. 162 billion na piso ang inilaan na pondo para sa nasabing panukalang batas.

Si Rep. Sarah Elago ay nilaanan ng pagkakataon upang makapagtanong sa sponsor ng nasabing batas, si Rep. Villafuerte ng Camarines Sur.

Binigyan tuon ni Elago ang mga probisyon na may kinalaman sa kabataan. Isa rito ang mga ayuda para sa public and private educational na sektor. May mahigit 6 na milyon ang pa ang hindi pa nakaka-enroll dulot ng kawalan na sapat na pera, dagdag pa rito ang mga nagbabadyang magsara na “Private Schools”.

Tinanong din ng mambabatas kung ano ang breakdown ng 600 million na piso na nakalagay sa nasabing batas, ani ng mambabatas, sa ngayon raw ay hindi ninya mailantad ang kabuuan ng breakdown.

Tinuligsa rin ng representante ng Kabataan ang patuloy na profiteering o hindi makatarungang paninil ng mga Tuition Fee and Miscellaneous Fee ng mga iba’t-ibang paaralan. Sumang-ayon naman si Villafuerte na hindi lamang sa “Produkto” tignan ang ganitong pananaw.

Isa din sa mga napagusapan batas ngayong araw ay ang HB 6756- Medical scholarship and Returning Service Act na kung saan naglahad ang Kabataang Mambabatas ng kanyang saloobin lalo na sa pagpapalaganap ng “Medical Schools” at proteksyon sa mga kasalukuyan na “Libreng Tuition” pati na rin sa “Kaligtasan ng mga Doktor sa barrio”.

Nariyan din ang HB 6948 -NATIONAL EDUCATION SUPPORT PERSONNEL DAY na kung saan si Elago ay isa mga awtor ng nasabing panukalang batas, HB 638 -AN ACT INSTITUTIONALIZING PHILIPPINE PARTICIPATION IN THE INTERNATIONAL EXHIBITIONS OF THE VENICE BIENNALE at ang HB 6876 AN ACT MANDATING THE ESTABLISHMENT OF FISHERFOLK RESETTLEMENT AREAS BY THE DEPARTMENT OF AGRICULTURE, DEPARTMENT OF HUMAN SETTLEMENTS AND URBAN DEVELOPMENT, AND THE LOCAL GOVERNMENT UNITS, AMENDING FOR THE PURPOSE SEC. 108 OF REPUBLIC ACT NO. 8550, OTHERWISE KNOWN AS THE “PHILIPPINE FISHERIES CODE OF 1998,” AS AMENDED BY REPUBLIC ACT NO. 10654″

Press Releases

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Latest News

Connect With Us

224,672FansLike
1,536FollowersFollow
69FollowersFollow
25,504FollowersFollow