Privilege Speech: STATE OF THE YOUTH AMID PANDEMIC!

Must Read

Android App

Get it on Google Play

ITAGUYOD ANG KARAPATAN SA EDUKASYON, AT ISULONG ANG LIGTAS, ABOT-KAMAY AT DEKALIDAD NA PAGPAPATULOY NG PAG-AARAL PARA SA LAHAT SA GITNA NG PANDEMYA!

Unang Talumpati para sa Ikalawang linggo ng Pangalawang Regular na Sesyon, August 3, 2020
Rep. Sarah Jane Elago – KABATAAN Party-list

116262371 10163941528160557 671577681783109794 o

“G. Speaker, bago pa man nagkaroon ng Covid-19, humaharap na sa matinding krisis ang edukasyon sa bansa na may tinatayang apat na milyon na out-of-school children at youth, gayundin ang mataas na drop-out rates dulot ng laganap na kahirapan, mataas na presyo ng mga bilihan, mababang sahod, kawalan ng trabaho at sapat na mapagkakakitaan. Isa sa apat na mga kabataan na nasa edad 15 hanggang 24 ang wala sa eskwela, trabaho o treyning o “Not in Education, Employment or Training.”

Higit na pinalala ng Covid-19 pandemic ang kawalan ng access at kabuuang krisis sa edukasyon mula sa milyon-milyon pang nawalan ng trabaho at kabuhayan kasama na ang mga displaced na OFWs at mga negosyong pwersahan ng nagsara upang masalba sa lalo pang pagkalugi o pagkalubog sa utang. Naging kritikal na bahagi ng pagtugon sa pandemya ang pagsasara ng mga eskwelahan upang pigilan ang pagkalat ng Covid-19 at mula sa karanasan nitong nakaraang academic year kung kailan nagging biglaan rin ang shift sa emergency remote teaching, lumala at lumaki pa ang hindi pagkapantay-pantay sa kakayahan ng mga estudyante na makapagpatuloy ng pag-aaral.

Nasa 60% bahagdan ng kabuuang student population sa buong mundo o tinatayang hindi bababa sa 1 bilyong mga learners ang out-of-school sa 109 na mga bansa ang apektado ng pagsasara ng mga paaralan. Ito ay ayon sa pinakahuling ulat ng Global Education Coalition na pinamunuan ng UNESCO upang isulong ang inclusive learning opportunities para sa mga bata at kabataan sa gitna ng biglaang pagsasara ng mga eskwelahan at pagtigil ng mga klase. Layon nitong paunlarin ang remote learning gayundin ang iba’t ibang pamamaraan para sa bukas at pleksible na sistema ng edukasyon para sa kinabukasan. Ayon sa kanilang ulat, ilan sa mga epekto na maaring idulot ng tumatagal na panahon na hindi nakakabalik ang mga estudyante sa paaralan ay ang hindi pagtuloy sa pag-aaral, malnutrisyon para sa mga batang nakasalalay sa mga feeding program at discounted meals sa schools, kalituhan at stress sa mga guro, estudyante, kanilang mga pamilya at mga opisyal o administrador ng mga paaralan, kawalang kahandaan at kakayahan ng mga magulang o guardians para sa distance learning o home schooling, mataas na mga dagdag bayarin kasabay ng kawalan rin ng pang-gastos at iba pang mga hamon kaugnay ng schools closures at remote learning.

Mula naman sa kontribusyon ni Maám Margarita Lucero-Galias sa TeacherPH na pinamagatang “Mga Simpleng Aksyon ng Suporta para sa Mag-aaral,” ibinahagi niya na: “Nakita na natin ang mga nangyari sa Sierra Leone sa panahon ng Ebola outbreak kung saan inihinto ang mga pag-aaral sa loob ng isang academic year. Sa muling
pagbubukas ng kanilang mga paaralan, mas dumami ang hindi na nagpatuloy ng pag-aaral bunga ng child labor, teenage pregnancy, child abuse and neglect, health and family economic problems. Ayon din sa mga pandaigdigang pag-aaral, kahit sa normal na dalawang buwang bakasyon, 20-50 % ng mga natutunang skills ay maaaring mawala o nakalimutan na ng mag-aaral. Mas magiging mahirap din ang pag monitor sa nutrisyon, at pisikal, mental at emosyonal na kalusugan ng mga bata kung tuluyang magsasara ang mga paaralan sa loob ng isang taon. Naiiwan silang nakabitin sa pag-aalinlangan at takot sa lumalaganap na sakit at kung paano na mabibigyan ng prayoridad ang kanilang karapatan sa pag-aaral.” (Mula https://www.teacherph.com/mga-simpleng-aksyon-ng-suporta-p…/)
Kaya naman sa bahagi ng mga mag-aaral mula sa konsultahan sa kanilang mga guro, magulang at komunidad ay muling nananawagan upang gawin ang lahat ng hakbang upang makapagpatuloy sa pag-aaral ng mga bata at kabataan. Kaakibat nito ang pagsagot sa kahilingan ng mamamayan para sa ligtas na pagbabalik sa trabaho at hanapbuhay, at sa nakabubuhay na sahod para matustusan ang mga gastusin kaugnay ng pag-aaral.

Sa ating mga kapwa kinatawan at miyembro ng Kapulungang ito, ito ang mga sumusunod na partikular na mga panawagan na tinipon sa pamumuno ng mga konseho at organisasyon ng mga mag-aaral: Habang iginigiit ang komprehensibo, epektibo, at makataong tugon sa pandemya, ito ang ating mga panawagan upang itaguyod ang karapatan sa edukasyon, bigyan ng pagkakataon ang mga estudyante na makapagpatuloy sa pag-aaral, at tiyakin ang ligtas na pagbubukas ng mga paaralan.

UNA: Inclusive Educational Alternatives
• Pondohan ang mga dagdag na alternatibong pamamaraan ng pagtuturo sang-ayon sa kalagayan ng kalusugan sa komunidad. Magbigay ng libreng gamit sa mga mag-aaral at guro. Gawing libre, abot-kaya at mabilis ang internet connection.
• Bigyang diin ang pagkatuto higit sa pagbibigay ng grado. Magsagawa ng pagluluwag sa mga patakaran sa pagtanggap at promosyon ng mga estudyante.

PANGALAWA: Accessible education
• Tiyakin ang libreng edukasyon sa mga pampublikong paaralan. Tutulan ang pagtataas ng matrikula at iba pang bayarin, irebyu ang mga bayaring sinisingil sa mga estudyante, at itigil ang paniningil ng mga hindi makatwirang bayarin.
• Palawakin ang naaabot ng tulong pinansyal para sa mga estudyante, guro at kawani sa edukasyon. Tiyakin ang mga dormitoryo, transportasyon at iba pang batayang serbisyo para sa mga estudyante at empleyado.

PANGATLO: Assistance to personnel and schools
• Mag-empleyo ng dagdag na mga teaching at non-teaching personnel.
• Maglaan ng subsidyo para sa maliliit na pribadong paaralan para sa sahod at benepisyo ng teaching at non-teaching personnel, at para ipatupad ang minimum health standards.

PANG-APAT: Democratic Rights and Welfare
• Tiyakin ang representasyon ng mga estudyante, magulang, teaching at non-teaching personnel sa mga komite o lupong magbubuo ng mga plano hinggil sa pagpapatuloy ng edukasyon sa panahon ng pandemya.
• Suportahan ang pangangailangan sa kalusugang pangkatawan, pangkaisipan at pandamdamin ng mga estudyante, guro at kawani.

PANGLIMA: Safe Reopening of Schools
• Ipatupad ang minimum health standards sa mga paaralan. Magpatupad ng libreng mass testing.
• Tiyakin ang pagkakaroon ng mga klinika na may sapat na kagamitan, suplay ng gamot, at health at sanitation personnel.
• Pondohan ang dagdag na mga silid-aralan, palikuran, kantina at iba pang pasilidad sa paaralan.
Sinusuportahan rin ng Kabataan ang panata ng Global Education Coalition para sa proteksyon ng personal na impormasyon, privacy at seguridad ng mga learners kaugnay ng koleksyon at paggamit ng users’data gayundin ang transparency at accountability hinggil sa mga serbisyong kaugnay nito.

Karapatan at Edukasyon

Education is a key ally in the defense of rights and in the protection of the rule of law, as well as an essential element in crisis situations. (Education is the foundation of a fairer society in the world after the COVID-19 pandemic 06/02/2020 By Stefania Giannini, UNESCO Assistant Director-General for Education and John Brandolino, head of the UNODC Treaty Division.)

Boys, and particularly girls, who learn, from their earliest age in school, their rights to protect themselves against sexual abuse and violence are less vulnerable to being affected by this situation. These issues become more important during the period of epidemics, as occurs with violence against women that tends to increase during emergencies (WHO 2020).
Learning empathy, respecting diversity, and being able to recognize and combat discrimination are key skills that young people need to prevent societies from becoming even more polarized. Recent research shows that socio-emotional competences contribute to strengthening the resilience of young people, particularly in times of crisis (UNESCO MGIEP, 2019).

Tuloy-tuloy ang laban ng mga kabataan at mamamayan laban sa mga atake sa ating representasyon at sa lahat ng mga nagpapahayag ng kanilang mga sentimyento, puna o kritismo, protesta, mga saloobin, katanungan, pagsingil sa pananagutan sa mga kinauukulan.

Tinatarget ang mga Kabataan dahil sa malakas na boses ng mga kabataan na nananawagan ng hustisya at pananagutan sa oplan tokhang, laban sa police brutality, sa abuso at katiwalian, at para sa pagpapalakas ng sistema ng hustisya sa bansa. Hindi na bago ang paggamit ng police resources at taxpayers money para siraan ang mga kritiko at miyembro ng oposisyon kaya nga laman na ang pagkundena at pagtutol ng Kabataan sa mga ito sa maraming resolusyon at imbestigasyon na aming hinapag sa Kongreso, CHR at NBI. Mismong PNP ang nagsabing iimbestigahan ang pagpapakalat ng maling impormasyon laban sa Kabataan Partylist, ngunit wala pang nananagot at tuloy tuloy ang mga atake sa Kabataan. Mas madalas at malaganap na rin ang red tagging at false allegations nang maisabatas ang bagong anti- terror law. The PNP and the mouthpieces of this administration are insatiable in their scheme to silence dissent that they are relentlessly trying to present youth activists as “threats/terrorists.” They are trying so hard to intimidate the youth, to discredit our work, and to divert attention away from the people’s demand for health-focused and medical solutions, for jobs and socio-economic measures and for a rights-based approach to COVID-19 pandemic response and recovery plan.

Nananawagan po tayo ng mapayapa at puno ng pag-asa sa pagsusulong ng laban sa abuso, sa katiwalian, sa inhustisya at sa tiraniya.

Kinakailangan po natin protektahan ang boses at karapatan ng bawat bata, ng kabataan, at ng bawat mamamayang Pilipino dahil ito po ang esensya ng ating mga demokratikong pagpapahalaga sa ating mahal na bayang Pilipinas.

Maraming salamat, G. Speaker.

Muli, ang kabataan ay naninindigan. Ipaglaban ang kalusugan, kabuhayan, at karapatan. Isulong ang ligtas, abot-kamay, at de kalidad na pagpapatuloy ng pag-aaral para sa lahat sa gitna ng pandemya. Edukasyon ay karapatan ng mamamayan!

Maraming salamat at mabuhay po tayong lahat.”###

Press Releases

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Latest News

Connect With Us

224,672FansLike
1,536FollowersFollow
69FollowersFollow
25,504FollowersFollow