“Pakinggan at aksyunan ang panawagan ng mga frontliners!” -Sarah Elago

Must Read

Android App

Get it on Google Play

Pahayag ni Kabataan Partylist Rep. Sarah Elago hinggil sa panawagan ng Medical Community na magdeklara ng ECQ para muling makapagplano sa pagharap sa Pandemya

116530643 10163937621330557 6216979339776263924 o

Pakinggan at aksyunan ang panawagan ng mga frontliners! Nakikiisa at sumusuporta ang Kabataan Partylist sa paggigiit ng mga medical frontliners ng pangangailangan para sa pagsasaayos ng pamamaraan ng pagtugon sa Covid-19 pandemic. Bigyang prayoridad ang RT-PCR mass testing, pinaigting na contact tracing, quarantine procedures at iba pang kagyat na hakbang at komprehensibong planong pangkalusugan na matagal nang pinapanawagan ng mamamayan at mga eksperto ngunit hindi pinapakinggan ni Pangulong Duterte, DOH at IATF. Kung militarista at represibo pa rin ang tugon habang nananatiling kapos ang plano at aksyon sa kalagayan ng kalusugang pampubliko, higit pang lalala ang krisis sa gitna ng pandemya. Dapat nang palitan ang Secretary of Health at hindi dapat mga former military generals ang namumuno sa IATF kundi mga competent health experts at professionals sa laban sa Covid-19. Kailangan ng pamumuno at pamamaraan na papakinggan ang hinaing ng sambayanan at uunahin ang tulong at pagtugon sa sakit at gutom sa gitna ng pandemya. Patuloy na isulong ang kalusugan, kabuhayan at karapatan!###

Press Releases

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Latest News

Connect With Us

224,672FansLike
1,536FollowersFollow
69FollowersFollow
25,504FollowersFollow