Mass testing muna bago ang Mass Recovery!

Must Read

Android App

Get it on Google Play

Pahayag ng Kabataan Party-list hinggil sa bagong Mass Recovery Adjustment ng DOH: Mass testing muna bago ang Mass Recovery.

116237677 10163927694360557 4928416038062065664 o

Lubos na kinakabahala ng Kabataan Partyl-ist ang bagong pamantayan ng DOH para sa mga “recovered” patients. Ayon sa DOH, kung ikaw ay may mild symptoms o ‘di kaya ay asymptomatic ay pwede nang ituring na “recovered” patient. Ang ganitong bagong pamantayan ng DOH ay kabahabahala dahil ang may mild symptoms o ‘di kaya asymptomatic ay higit sa lahat ang mga ‘di kita o pansin na tagapaglaganap ng virus kaya dapat ipa-test para agad na malaman kung sila ba ay positive o negative; kung positive ay sila ay nakakahawa pa, at kung negative, doon lang natin talagang masasabi na sila ay walang sakit.

Kahapon, inilabas ng DOH ang impormasyon na may 38, 075 bagong “recovered” patients ng COVID-19 ayon sa bagong Mass Recovery Adjustment ng ahensya kung saan itinuturing na “recovered” patients ang may mild symptoms at asymtomatic na mga indibidwal.

Tayo ay nasa gitna ng isang pandemya, isang pangkalusugang krisis kaya dapat scientific sa pagtugon dito at ‘di pabago-bago ang pamantayan sa pagkuha ng totoong datos ng may sakit at nang sa gayon ay malapatan natin ng karampatang lunas.

Masasabing ang pagtaas ng “recovered” patients sa bansa ay di dahil nabigyan sila ng karampatang aksyong medikal o umunlad ang ating sistemang pangkalusugan sa bansa, kundi binago ng DOH ang pamantayan ng pagkuha ng datos. Hindi pa din mapapabulaanan na napakadaming kaso ng Covid sa bansa at walang kalaban laban dito ang mamamayang Pilipino sa mga komunidad. Kapos na kapos ang suporta ng gobyerno sa mga frontliners na nagbubuwis ng buhay para maalagaan ang mga may sakit. Hindi pa din accessible sa mga ordinaryong mamamayan ang testing. Kulang pa din ang mga hospital beds. Naghihirap pa din ang sambayanang Pilipino.

Pero sa kabila nito, bakit parang gusto ng DOH na paliitin ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa? Bakit parang gusto itong pagtakpan? Dapat magising sa katotohanan ang DOH at harapin ang resulta ng incompetence ng gobyerno at kawalan ng mass testing at komprehensibong plano para tugunan ang pandemya kung kaya padami nang padami ang kaso ng coronavirus sa bansa. Hindi masosolusyunan ng pabagobagong datos ang totoong kalagayan ng mga mamamayang Pilipino. Ang kailangan natin ngayon ay comprehensive, health-based and pro-people plan para tugunan ang pandemya. Sa pagkakaroon sana natin ng komprehensibong plano laban sa pandemya ay unti-unti nating mapapaliit ang kaso ng positibo sa virus sa bansa. Subalit dahil mismo sa mga palisiya ng gobyerno, lalong tumataas ang COVID-19 cases. Nariyan ang programang “Hatid Tulong” kung saan nakita natin ang mass gathering at kawalan ng physical distancing ng mga mamamayang naghihintay maihatid sa kanilang mga probinsya sa Rizal Stadium kung saan 48 indibidwal ang naitalang positibo.

Mensahe ng kabataan sa administrasyong Duterte: “‘Wag ninyo lokohin ang taumbayan!”

Dapat singilin ang administrasyong ito sa kawalan ng komprehensibong plano sa pagtugon sa pandemya. Ipanawagan din ang transparency sa bilyon-bilyong budget sa covid na hindi nararamdaman ng taumbayan.

“Kahit paano ninyo pa gusto manipulahin ang datos, ramdam at kitang kita ng mamamayan ang kainutilan ng gobyerno sa pagharap sa pandemya!”###

#MassTestingNow

Press Releases

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Latest News

Connect With Us

224,672FansLike
1,536FollowersFollow
69FollowersFollow
25,504FollowersFollow