Kundenahin ang brutal na pagpaslang kay Ka Randy! Panagutin ang may sala! —Kabataan Partylist

Must Read

Android App

Get it on Google Play
118000322 10164022827810557 7022263730959713048 o

Matinding pagpapahirap at torture ang pinagdaanan bago tuluyang pinaslang ang walang kalaban-labang 72-taong gulang na Anakpawis Chairperson at peace consultant na si Randall “Ka Randy Echanis”, batay sa autopsy report na pinamunuan ng forensic expert mula sa Unibersidad ng Pilipinas Maynila na si Dr. Raquel Fortun. Dagdag pa ni Fortun, hindi bababa sa dalawang magkakaibang armas panaksak ang ginamit sa atake kay Ka Randy, at bago tuluyang mamatay sa natamong saksak sa likod, marami pang pinsala sa katawan ang tinamo nito habang nabubuhay pa: 28 na puncture wounds, 12 na knife-like stab wounds, at ebidensya ng pamamalo sa ulo ng maraming beses.

“The autopsy of slain Anakpawis Partylist chairperson and peace consultant Randall Echanis revealed that he suffered from torture before he was murdered. The snatching of his body by the QCPD, and their illegal arrest of Anakpawis paralegal Paolo Colabres further delayed this autopsy and the quest for truth and justice.” saad ni Rep. Sarah Elago

Maaalalang panakaw na kinuha ng kapulisan ng QCPD ang katawan ni Echanis mula sa kanyang pamilya at illegal na inaresto ang paralegal na si Paolo Colabres, dahilan ng pagkakaantala ng autopsy ng kanyang mga labi.

Mariing kinokondena ng Kabataan Partylist ang paglala ng namamayaning kultura ng patayan at kawalan ng hustisya sa ilalim ng Rehimeng Duterte. Walang lugar sa isang demokratikong bansa ang ganitong klase ng karahasan at ang paghahari ng takot sa isang tiranikong rehimen.

“Amid the widespread human rights violations and worsening impunity exacerbated by the murderous rhetoric against rights’ defenders and workers, there is a pressing need to conduct an independent probe to hold the perpetrators accountable. Kabataan Partylist, along with the Makabayan Bloc in Congress, has likewise filed a resolution calling for an impartial and thorough investigation, in aid of legislation, to exact accountability and end the killings and attacks targeted towards human rights defenders and peacebuilders” dagdag ni Rep. Elago.

Nararapat na magkaisa ang malawak na hanay ng mamamayan para sa pagpapalakas ng panawagan ng hustisya kay Ka Randy, at sa lahat ng biktima ng pasistang rehimen ni Duterte.

Itigil ang pamamaslang!
Panagutin ang mga pasistang rehimen!
Hustisya para kay Ka Randy Echanis!

#StopTheKillings
#JusticeForRandyEchanis

Press Releases

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Latest News

Connect With Us

224,672FansLike
1,536FollowersFollow
69FollowersFollow
25,504FollowersFollow