Komprehensibong medikal, pangkabuhayan at makataong plano, hindi militaristang tugon

Must Read

Android App

Get it on Google Play
117316065 10163950843590557 4766261382949630463 o

Kinukundena ng Kabataan Partylist ang pahayag ng lider ng QC Task Force Disiplina ukol sa mga lalabag sa MECQ at militaristang tugon sa Pandemya

Dapat mataas ang standard natin sa mga lider. Dapat huwaran sila sa disiplina. Sa salita at sa gawa. Hindi basta basta ang pinost ng lider ng QC Task Force Disiplina sa kanyang social media. Sinasabi nya na “shoot to kill” ang mga lalabag sa MECQ. Isipin natin ano ang epekto nito sa mga mamamayan. Iba ang posibleng takot at trauma ang maaring idulot nito sa mga pamilyang nawalan ng mahal sa buhay dahil sa napatay sila dahil sa oplan tokhang, oplan tambay, martial law sa Mindanao. Hindi ito dapat i-take lightly. Lalo na sa QC, kaliwa’t kanan ang mga ulat ng pambubog, marahas na pag-aresto sa mga ECQ Violators. Maari din ito magdulot ng marami pang karahasan lalo pa’t ang nagsalita ay isang lider, isang pinuno, maari itong maintindihan bilang palisiya ng lunsod at ng mga pinamumunuan nya.

Ang kailangan natin ngayon ay komprehensibong medikal, pangkabuhayan at makataong plano sa pagtugon sa pandemya. Higit sa dalawang libo na ang namatay sa bansa dahil sa COVID, wag na natin itong dagdagan pa nang dahil sa militarista at utak pulburang pagtugon sa pandemya.

Press Releases

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Latest News

Connect With Us

224,672FansLike
1,536FollowersFollow
69FollowersFollow
25,504FollowersFollow