Kabataan Partylist: Tutulan ang Online Martial Law! Ibasura ang Terror Law ni Duterte!

Must Read

Android App

Get it on Google Play
116581055 10163946996110557 1036376758703067748 o

Kinukundena ng Kabataan Party-list ang panukala ni Lt. Gen. Gilbert Gapay, bagong-talagang hepe ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas o Armed Forces of the Philippines (AFP), na imonitor at isurveillance ang social media at isama ito bilang pagpapalawig ng Anti-Terrorism Act of 2020 o Terror Law.

“Malinaw na ang Terror Law ay gagamitin para patahimikin ang taumbayan sa mga kritisismo nito sa gobyerno. Lalo pa’t sa gitna ng pandemya, kaliwa’t kanan ang hinaing ng mamamayan sa kawalan ng komprehensibong plano ng rehimeng Duterte sa usaping pangkalusugan at kabuhayan. Kabi-kabila din ang ulat patungkol sa paglabag sa karapatang pantao”.

Ang panukalang ito ay katumbas ng Online Martial Law na magdudulot ng malinaw na panganib sa mga netizen, lalo na sa mga nagpapahayag ng kanilang mga hinaing, pangangailangan, at kritisismo sa pamahalaan sa pamamagitan ng kanilang mga social media accounts.

“Natunghayan natin ang ilegal na pag-aresto kila Teacher Ronnel at iba pang mga ordinaryong Pilipino na nagpahayag lamang ng kanilang saloobin sa social media pero ikinulong”.

“Sa gitna ng pandemya bakit tila dahas, pagtapak sa karapatan ang pangunahing agenda ng bagong AFP Chief? Dapat pagtuunan ng pansin ng AFP ang patuloy na agresyon ng China sa West Philippine Sea, ito ang may pinakamalaking banta sa soberanya at kalayaan ng ating bansa hindi ang mga netizens”.

Ang pagpapahayag ng mga hinaing, pangangailangan, at kritisismo ay lehitimong karapatan na kabilang sa mga karapatang-pantao at karapatang pinoprotektahan ng Saligang Batas.

Pinapahayag ng Kabataan ang pagtutol at pagkundena sa Terror Law at sa mga batas na lalong sumisikil sa mga karapatan ng mamamayan. Naninindigan ang Kabataan na sa halip na magbanta at maghigpit sa mga netizen, dapat tugunan ng pamahalaan ang mga hinaing, pangangailangan, at kritisismo ng sambayanan, lalo na pagdating sa pagtugon sa pandemya dulot ng COVID-19. ###

Press Releases

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Latest News

Connect With Us

224,672FansLike
1,536FollowersFollow
69FollowersFollow
25,504FollowersFollow