HUSTISYA PARA KAY RANDY ECHANIS!

Must Read

Android App

Get it on Google Play

Itigil ang pamamaslang sa ilalim ng Rehimeng Duterte!

117422292 10163973844160557 8349135080286573024 o

Ipinamalas na naman ng rehimeng Duterte ang pagiging pasista nito ngayong araw sa brutal na paspalang kay Randy Echanis, 72 taong gulang, ang pambansang tagapangulo ng Anakpawis at Deputy Secretary-General ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, kaninang madaling araw sa kanyang inuupahang bahay sa Novaliches, Quezon City.

Siya ay walang awang pinatay sa saksak sa kanyang inuupahang bahay, kasama ng ilang kapitbahay na tumulong lamang sa kanya. Batay sa mga kompirmadong report, siya ay hindi armado at kasalukuyan pa ngang sumasailalim sa medikasyon.

Ikalawang peace consultant na siyang pinatay sa ilalim ng rehimeng Duterte. Kilala si Ka Randy bilang pangunahing tagapagsulong ng Genuine Agrarian Reform Bill, CASER, at masigasig sa pagtutulak ng rural development at tunay na repormang agraryo sa panahon ng pormal na mga peace negotiation ng bansa. Nagsilbi rin siyang ikatlong nominee ng Anakpawis Partylist noong 2010 elections.

Sa tagal sa kilusan ng pagsusulong ng tunay na repormang agraryo para sa mga magsasaka, mahigpit syang kasanib ng mga magsasaka para sa paglaban sa malawakang land-grabbing at kawalan ng pagmamay-ari sa lupang sinasaka, tatlong beses na siyang ipinakulong sa ilalim ng rehimeng Marcos, Aquino, at Arroyo.

Mariing kinukundena ng mga kabataan mula sa ibat-ibang panig ng bansa ang brutal na pagpaslang kay Ka Randy.
Nag-aalab ang galit ng mga kabataan sa kaliwa’t kanang pagpaslang at pag-atake sa mamamayan ng rehimen. Ang kultura ng extrajudicial killings at kawalang katarungan ay lalo pang lumalala sa pamumuno ni Duterte.

Sa ilalim ng Terror Law ni Duterte lalo nitong binigyan ng labis labis na kapangyarihan ang pwersa ng estado kagaya ng kapulisan at militar na atakihin ang mamamayang nakikipaglaban para sa kanilang karapatan. Kahit sa panahon ng Pandemya, hindi tumigil ang galamay ng estado sa pagpaslang.

Ang pagpaslang kay Ka Randy ay hudyat ng mas masasahol, mas garapal na atake sa mamamayang lumalaban para sa kanilang batayang karapatan. Ngunit hudyat din ito ng mas malakas na paglaban ng taumbayan para biguin ang pamamayani ng pasistang rehimen ni Duterte.

Nananawagan ang mga kabataan sa lahat ng mga organisasyon at mamamayang Pilipino na makiisa sa pagpapanawagan ng hustisya sa brutal na pagpaslang kay Ka Randy. Panagutin natin si Duterte sa lahat ng pinatay sa ilalim ng kanyang rehimen.

Justice for Randy Echanis! Rage against Duterte Regime’s continuous killing even amid the Pandemic! ###

PANAWAGAN!!
Kondenahin at ipanawagan ang hustisya para sa brutal na pagpaslang sa lider ng Anakpawis at KMP na si Randall “Ka Randy” Echanis!

Protesta sa mga bahay, bukirin at opisina, Agosto 10, 5pm.

Agosto 11, 10.30am CHR.

Press Releases

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Latest News

Connect With Us

224,672FansLike
1,536FollowersFollow
69FollowersFollow
25,504FollowersFollow