Hinggil sa bagong Mass Recovery Scheme ng DOH

Must Read

Android App

Get it on Google Play

Lubos na kinakabahala ng Kabataan Partylist ang bagong pamantayan ng DOH para sa mga “recovered” patients. Ayon sa DOH kapag ikaw ay may mild symptoms or di kaya ay asymptomatic ay pwede nang ituring na ikaw ay “recovered” patient. Ang ganitong bagong pamantayan ng DOH ay kabaha-bahala dahil ang may mild symptoms o di kaya asymptomatic ay higit sa lahat dapat ipatest para agad na malaman kung sila ba ay positive o negative at kung negative, doon natin talagang masabi na sila ay walang sakit.

116581277 10159459623609453 1936803571304167142 o

Ngayong araw, inilabas ng DOH ang impormasyon na may 38, 075 bagong “recovered” patients ng Covid ayon sa bagong Mass Recovery Scheme ng ahensya kung saan itinuturing na “recovered” patients ang may mild symptoms at asymtomatic na mga indibidwal.

Dapat po scientific tayo at di pabago-bago ang pamantayan sa pagkuha ng totoong datos ng may sakit at nang sa gayon ay malapatan natin ng karampatang lunas.

Bakit parang gusto ng DOH na paliitin ang bilang ng kaso ng covid sa bansa? Bakit parang gusto itong pagtakpan? Dapat natin harapin ang resulta ng incompetence ng gobyerno at kawalan ng mass testing at komprehensibong plano para tugunan ang pandemya kung kaya padami nang padami ang kaso ng covid sa bansa. Hindi masosolusyunan ng pabago bagong datos ang totoong kalagayan ng mga mamamayang Pilipino.

Wag nyo lokohin ang taumbayan. Dapat singilin ang administrasyong ito sa kawalan ng komprehensibong plano sa pagtugon sa pandemya. Ipanawagan din ang transparency sa budget sa covid na hindi nararamdaman ng taumbayan.

Kahit paano nyo pa gusto manipulahin ang datos, ramdam at kitang kita ng mamamayan ang kainutilan ng gobyerno sa pagharap sa pandemya.

#MassTestingNow

Press Releases

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Latest News

Connect With Us

224,672FansLike
1,536FollowersFollow
69FollowersFollow
25,504FollowersFollow