Hindi sapat na maghintay na lang sa COVID-19 vaccine!

Must Read

Android App

Get it on Google Play

Kabataan kay Duterte: Hindi sapat na maghintay na lang sa COVID-19 vaccine; kailangan ng kagyat na komprehensibong tugon laban sa pandemya para mapaaga ang ligtas na pagbabalik-eskwela!

116204726 10163923632905557 5745181432433845371 n

Mariing kinokondena ng Kabataan Partylist ang sinabi ni Pangulong Duterte sa kanyang State of the Nation Address (SONA) tungkol sa kanyang “plano” para sa edukasyon sa mga susunod na buwan.

Ayon kay Duterte, hanggang wala pang bakuna para sa COVID-19, hindi niya papayagan magkaroon ng “traditional face to face learning.” Ipinapaubaya rin ng DepEd ang desisyon ng pagbabalik sa normal na moda ng pagkatuto sa mga indibidwal paaralan—indikasyon ng kawalan ng balak at plano mula sa pambansang gobyerno na pasanin ang responsibilidad ng ligtas na pagbabalik eskwela.

“Tungkol sa blended learning, kailangan po ng DepEd at ng CHED ng reality check kasi ngayon po nagmamamakaawa, naninindigan, naniningil, at naggigiit na ang mga kabataan at mga estudyante para tugunan yung mga hakbang pangkalusugan para sa COVID 19 dahil iyan po yung kailangan natin para mag-desisyon at matiyak ang ligtas na balik-eskwela at de-kalidad na edukasyon para sa lahat,” tindig ni Rep. Sarah Elago.

Hindi lamang pwede antayin ang bakuna para matuloy ang pag-aaral. Kung tutuusin, kinaya ito ng mga ibang bansa dahil sa maagap, maayos at komprehensibong pagtugon sa pandemya ng kanilang pamahalaan. Ngunit, sa ilalim ng Administrasyong Duterte, mas inuna ng administrasyon ang pairalin ang kanyang pagkapasibo at pasista–tulad ng pagsulong ng mala-Batas Militar na lockdown, pagpapasara sa ABS-CBN, at ang pag-pasa ng Anti-Terrorism Act of 2020.

Dahil sa palyadong tugon ni Duterte mula simula ng pandemya magpahanggang sa ngayon, lalong naging kalunos lunos ang kalagayan ng bansa. Nadagdagan ng milyun-milyon ang nawalan ng trabaho dahil sa militaristang at kontra mamamayang polisiya ntulad ng jeepney phaseout. Sa 25% na estudyanteng hindi makakapag enrol ngayon kumpara sa nakaraang taon, nadagdagan pa ang bilang ng mga kabataang hindi makapagaral. Ito’y dahil sa pagtutulak ng online na klase kahit na marami ang mga walang laptop o gadget, internet, at iba pang kinakailangang sangkap para ito ay epektibong mapatupad.

Sa panahon ng pandemya, kailangan ng bawat mamamayan ang suporta at tulong mula sa gobyerno, ngunit sa ipinanguna ni Duterte ng pasismo at paglalabag sa kanilang karapatan mabuhay, sa kabuhayan, at edukasyon. Hindi kayang itulak ang face-to-face learning na pinakaepektibong paraan ng pagtuturo parin sa ngayon, dahil sa kawalan ng pagtugon ni Duterte sa mga kabataan at kanilang mga pamilya.

Kailangan panagutin ang Administrasyong Duterte sa kawalan ng malinaw na plano sa pagtugon sa pandemya, maging alamin kung saan napunta ang mga pondo rito. Mariing tututulan ng mga kabataan ang mga ganitong klaseng proklamasyon na magpapahirap sa mga Pilipino–tuluyang maglalayo ng akses sa edukasyon sa kabataan at magbababa ng kalidad nito–lalo na’t nasa gitna tayo ng krisis.

Igiit ang mass testing at iba pang solusyong medikal para sa kagyat na ligtas na pagbabalik-eskwela!###

Press Releases

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Latest News

Connect With Us

224,672FansLike
1,536FollowersFollow
69FollowersFollow
25,504FollowersFollow