EXPLANATION OF NO VOTE OF HON. SARAH ELAGO OF KABATAAN PARTYLIST ON HB 6953

Must Read

Android App

Get it on Google Play
117445007 10163974260865557 215985689613501951 o

“Indeed there is a pressing need to act with sense of urgency to pass a recovery plan, but we must also ensure as representatives of the people that we are able to take steps in the right direction. Kaya po naninindigan ang Kabataan Party-list na kinakailangan po muna natin ng full accounting sa Bayanihan to Heal as One Act bago ipasa ang Bayanihan to Recover as One Act.

Total releases related to COVID-19 for the Bayanihan to Heal as One balloons to more than 370-billion pesos, with more borrowings to fund the pandemic response and the recovery plan, government debt reaches the 9-trillion mark, unemployment rises to a record high, the employment dips to its lowest in history while the lockdown is one of the longest in the world.

Ito po ang ating magiging gabay upang matiyak na ang ating mga susunod na hakbang ay magiging epektibo sa paglaban sa COVID-19 habang sinusuportahan ang pangangailangan ng ating mga kababayan. Upang maiwasan rin ang nangyari po sa Bayanihan to Heal as Once Act, kung saan ito po ay mabilis na naipasa, nagdagdag ng emergency powers–na kahit wala pang komprehensibong plano–kaya hindi rin ito nagbunga ng mabilis na aksyon.

Hindi lamang po naging mabagal ang pamamahagi ng ayuda sa ilalim ng Social Amelioration Program, naging puno rin ito ng anomalya. Nababaon po sa utang ang ating bayan habang lumalalim rin ang pasakit ng gutom at kahirapan dulot ng milyon-milyong nawalan ng trabaho, kabuhayan at mga negosyong puwersahang nagsara. Imbis na bumagal at pumigil ang virus, kumalat pa po ito at dumami pa ang aktibong kaso.

Nagbigay rin po tayo ng suporta sa panawagan ng ating Human resources for Health na hindi lamang magkaroon ng time–ang kinakailangan rin na recalibration pagdating sa kabuuan ng pandemic response na pinamumunuan ng ating gobyerno kasama ang mamamayang Pilipino.

Kailangan gugulin ang pondo ng tama ayon sa pangangailangan ng krisis, sa kalusugang pampubliko, gayundin po ang lahat ng apektadong sektor. Ang representasyong ito ay naging aktibo sa pagbibigay liwanag at pagtutulak ng mga kinakailangan pong mga hakbang pagdating sa edukasyon.

Mayroon po tayong mga nasa 600-million na education subsidy para s abasic at higher education, ngunit nababahala po tayo doon sa pondong ito na wala pang tiyak na breakdown kung paano po ang magiging hatian sa panahon na marami na po ang nag-aalala sa kung paano sila nakakapag-fulfill ng mga kinakailangan nila para sa blended learning modalities sa darating na pasukan sa August 24. Nasa higit 6-million pa po ang hindi nakakapag-enroll at kung paano sila matutulungan tiyak na makapagpatuloy ng pag-aaral sa gitna ng pandemic. Malaki po sana ang maitutulong kung nailinaw natin ang breakdown gayundin ang kapupuntahan ng pondo na ating nilalaan.

There can be no clear path forward in the fight against COVID-19 without openness, transparency, and respect for human rights, thus we reiterate the call to include the youth, students, learners, our representatives and our society and organizations in pushing for a humane and effective, comprehensive and participatory approach to COVID-19, and as for the education sector, kinakailangan na po ang ating inclusive educational alternatives dahil po sa tinutulak na blended distance learning modalities, ang suporta para sa internet connectivity at sa gadget ay dapat malinaw na nakaka-abot sa mga pinaka-nangangailangan. Bigyan diin din ang pagkatuto higit sa pagbibigay ng grado. Malaki po ang magiging epekto kung paano bang magiging mabisa ang probisyon pagdating sa paglaban sa profiteering– tuition at other school fees, sa ating mga eskuwelahan.

As for the education sector kinakailangan ang mga sumusunod:

UNA: Inclusive Educational Alternatives
• Pondohan ang mga dagdag na alternatibong pamamaraan ng pagtuturo sang-ayon sa kalagayan ng kalusugan sa komunidad. Magbigay ng libreng gamit sa mga mag-aaral at guro. Gawing libre, abot-kaya at mabilis ang internet connection.
• Bigyang diin ang pagkatuto higit sa pagbibigay ng grado. Magsagawa ng pagluluwag sa mga patakaran sa pagtanggap at promosyon ng mga estudyante.

PANGALAWA: Accessible education
• Tiyakin ang libreng edukasyon sa mga pampublikong paaralan. Tutulan ang pagtataas ng matrikula at iba pang bayarin, irebyu ang mga bayaring sinisingil sa mga estudyante, at itigil ang paniningil ng mga hindi makatwirang bayarin.
• Palawakin ang naaabot ng tulong pinansyal para sa mga estudyante, guro at kawani sa edukasyon. Tiyakin ang mga dormitoryo, transportasyon at iba pang batayang serbisyo para sa mga estudyante at empleyado.

PANGATLO: Assistance to personnel and schools
• Mag-empleyo ng dagdag na mga teaching at non-teaching personnel.
• Maglaan ng subsidyo para sa maliliit na pribadong paaralan para sa sahod at benepisyo ng teaching at non-teaching personnel, at para ipatupad ang minimum health standards.

PANG-APAT: Democratic Rights and Welfare
• Tiyakin ang representasyon ng mga estudyante, magulang, teaching at non-teaching personnel sa mga komite o lupong magbubuo ng mga plano hinggil sa pagpapatuloy ng edukasyon sa panahon ng pandemya.
• Suportahan ang pangangailangan sa kalusugang pangkatawan, pangkaisipan at pandamdamin ng mga estudyante, guro at kawani.

PANGLIMA: Safe Reopening of Schools
• Ipatupad ang minimum health standards sa mga paaralan. Magpatupad ng libreng mass testing.
• Tiyakin ang pagkakaroon ng mga klinika na may sapat na kagamitan, suplay ng gamot, at health at sanitation personnel.
• Pondohan ang dagdag na mga silid-aralan, palikuran, kantina at iba pang pasilidad sa paaralan.

At dahil tayo po ay humaharap sa krisis pangkalusugan at pang-ekonomika na matindi rin ang epekto sa karapatan sa edukasyon, kaya hangad po ng representasyon ng Kabataan ang pagkakaroon ng tunay na komprehensibo, epektibo, demokratiko at participatory approach sa paglaban sa COVID-19. Ito ang dahilan kumbakit bumuboto ang Kabataan Party-list ng NO sa HB 6953 o Bayanihan to Recover as One Act.”###

Press Releases

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Latest News

Connect With Us

224,672FansLike
1,536FollowersFollow
69FollowersFollow
25,504FollowersFollow