“Death Penalty talaga habang may pandemya? Kahit walang death penalty, madami nang pamamaslang!”

Must Read

Android App

Get it on Google Play

“Death Penalty talaga habang may pandemya? Kahit walang death penalty, madami nang pamamaslang!”

Ito ang reaksyon ni Kabataan Rep. Sarah Elago matapos ang ika-limang State of the Nation Address ni Pangulong Duterte noong Hulyo 27.

116197973 10163927605825557 4479549451537999641 o

Mariing tinututulan ng Kabataan Partylist ang pahayag ni Pangulong Duterte ukol sa swift passage ng death penalty sa bansa. Sa kanyang SONA, sinabi ni Duterte na nais niyang ibalik ang death penalty by lethal injection para sa mga krimen na may kaugnayan sa droga. Ngunit, kahit walang death penalty sa bansa, mahaba na ang listahan ng kaso ng pagpatay sa mga taong may kaugnayan man o wala sa droga. Mula sa War on Drugs sa ilalim ng administrasyon ni Duterte, higit sa 30,000 na ang napatay ng mga kapulisan sa Oplan Tokhang.

Ang War on Drugs ni Duterte ay tinagurian ding War on Poor dahil kalakhan ng mga hinuli at napatay sa ilalim ng programang ito ay mula sa mga mahihirap na komunidad ng ating bansa. Marami ding pinatay ang Oplan Tokhang na mga kabataan at inosenta kagaya nila Kian delos Santos at Carl Arnaiz. Kitang kita na hindi nasagot ng Oplan Tokhang ang problema sa droga sa bansa at sa katunayan ay tuloy-tuloy pa rin ito dahil kakarampot na big-time drug lord pa lamang ang napaparusahan.

Sa kasalukuyan, malinaw na ang pangunahing problema ng bansa ay ang COVID-19 pandemic. Kaya’t hindi lubos maisip at masikmura ng mga kabataan ang pagsusulong ng Death Penalty sa panahon ng krisis pangkalusugan at pang-ekonomya. Kasapakat ni Duterte ang kanyang tao sa Senado na si Sen. Bato Dela Rosa sa pagsusulong ng Death Penalty. Sa kabila ng kaliwa’t kanang problema ng bansa kung saan namamatay sa virus at sa gutom ang mamamayan, ang inaasikaso ni Sen. Bato sa Senado ay ang pagsusulong ng Death Penalty. Dito natin makikita kung ano nga ba ang prayoridad ng gobyerno sa gitna ng pandemya at krisis.

Giit ng mga kabataan, tugunan ang pangangailangan ng sambayanan ngayon para sa medikal na solusyon tulad ng mass testing, contact tracing, at treatment para sa pangangalaga sa kalusugan ng lahat. Kailangan din ang tuloy-tuloy na pagbibigay ng ayuda sa mga mahihirap at apektadong komunidad. Higit sa lahat, ang kailangan natin ay mga serbisyong panlipunan upang mapuksa ang kahirapan–tulad ng opportunidad sa trabaho at edukasyon–upang mabawasan ang potensyal na madagdagan pa ang mga drug pushers at users sa ating mga komunidad. Ang ugat ng problema sa droga ay kahirapan.

“Kahit wala pa man revival ng death penalty, kaliwa’t kanan na ang pamamaslang sa mga maralita, sa mga walang kalaban-laban, mga inosente, mga bata, mga kabataan, mga kritiko, mga nagpapahayag lamang ng kanilang mga panawagan, nakita natin iyan sa hanay ng mga journalists, mga magsasaka, mga labor rights leaders, mga environmental activists. Kaya dapat nating ipakita ang mariin nating pagtutol dito,” saad ni Rep. Elago.

Kung ibabalik ang death penalty, mas lalong hindi masasagot ang problema ng droga sa bansa. Kung nais wakasan ng Administrasyon ang isyu ng droga, kailangan ayusin ng Administrasyon ang pagbibihay ng hustisya sa bansa. Dadagdag lang ang death penalty sa mga problema sa bansa natin at muling maghahasik ng takot sa mga mahihirap. Sa panahon ngayon, hindi natin kailangan ang lalo pang paglabag sa karapatan nating mabuhay nang malaya. Hindi natin kailangan ng inhustisya para makamit ang hustisya.

Tuloy ang laban ng Kabataan Partylist para ipagtanggol ang buhay at kalayaan ng mamamayang Pilipino!###

#NoToDeathPenalty

Press Releases

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

Latest News

Connect With Us

224,672FansLike
1,536FollowersFollow
69FollowersFollow
25,504FollowersFollow